Alice POV Alas sais pa lang,narito na kaming lahat sa barangay hall,na sasama sa riding parade.Kasalukuyan naming hinihintay ang ibang mga ka,ratig na barangay na sasali—at kami ang panghuling barangay. "kapitana,malapit na po sila."pabatid sa akin ni ate Ara sa tabi ko.Tumango ako at napatingin sa gawi ni Adan at Carlo. Ang dalawang ito talaga—hindi nagkakalayo sa ganda ng katawan.Parehong matipuno ang katawan,matangkad ,parehong moreno.Ngunit ang pagkakaiba lang sa kanila ay may dimple sa pisngi si Carlo,si Adan ay wala.Ngunit para sa akin ay mas lamang si Adan —iyon ay dahil mahal ko na siya. "Adan—Carlo, maghanda na rin kayo."sabi ko sa kanilang dalawa—at sabay silang tumingin sa akin. "sa akin kana lang sasabay kapitana."sabi ni Carlo na nasa tabi ko na pala ng hindi ko namamalayan. Napatingin ako sa gawi ni Adan.Nakatingin din pala ito sa akin, ngunit seryoso ang mukha.Walang ekspresyon.Hindi naman siguro siya magagalit kong kay Carlo ako sasakay. Single motor ang
Read more