Chapter 99Celine’s POVIlang linggo ko ring pinaghandaan ang araw na ito.Hindi ko hinayaang maging ordinaryo lamang ang aming baby shower. Dahil espesyal ang pagbubuntis kong ito, gusto kong maging isa rin itong alaalang habang-buhay naming maikukuwento sa aming mga anak.Kaya naman nag-hire ako ng isang kilalang event coordinator upang asikasuhin ang lahat ng detalye. Mula sa dekorasyon, programa, pagkain, mga laro, souvenir, at higit sa lahat, ang pinakaaabangang Gender Reveal.Napagdesisyunan naming huwag ito gawin sa Thorne Mansion.Sa halip ay sa bahay namin ito ginanap.Mas personal.Mas komportable.Mas ramdam ang init ng pamilya.Pagkagising ko pa lamang nang araw na iyon ay abala na ang buong bahay. Ang mga florist ay isa-isang nagdadala ng sariwang bulaklak. Ang mga balloon artist naman ay gumagawa ng napakagandang balloon arch na kulay puti, gold, mint green, baby blue, at pastel pink.May malaking backdrop na may nakasulat na:"Double the Blessing, Double the Love."Sa m
Read more