CHAPTER 105Kinabahan agad ako sa boses ni Sir Joseph. Humigpit ang kapit ko kay Sebastian.“Ano 'yon, Sir?” “Okay, listen. I am currently here in the hospital. And the reason why I am here is because Dwayne is—Hindi ko na siya pinatapos magsalita at pinutol ko na agad.“May nangyari kay Ninong Dwayne? Ano'ng nangyari sa kanya? Bakit nasa ospital?”Nanlaki rin ang mga mata ni Manang Anne nang marinig ang sinabi ko."Okay, calm down. I need to calm down first, Rizza. So, here's what happened," natahimik ang kabilang linya. Nilayo ko pa sa aking tainga ang aking cellphone upang tingnan iyon. Akala ko ay nawala na sa linya si Sir Joseph ngunit nandoon pa rin naman.Kaya muli akong nagsalita."Sir Joseph? Nand'yan pa po ba kayo?" tanong ko sa kanya."Yes, yes. I am still here. Rizza, kanina kasi... Habang papunta kami sa meeting ay may hindi inaasahang mangyari kay Dwayne," Nanlamig ako sa aking kinauupuan. Walang salitang lumabas sa aking bibig at hinintay ko lang na magsalita ulit s
최신 업데이트 : 2026-05-27 더 보기