تسجيل الدخولCHAPTER 105 AFTER 5 YEARS “Sebastian! Umalis ka sa harapan ko at baka masapak kita!” malakas na sigaw ko. Hinimas ko ang aking tiyan na anim buwan na, nakalapag sa aking kandungan ang pizza na dala ni Sebastian sa akin. “Baby, please let me smell you,” paglalambing niya sa akin. Kanina pa siya yumayakap sa akin ngunit pilit ko siyang tinataboy. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya sa totoo lang. “Naiinis nga ako sa mukha mo! 'Wag kang haharap sa akin, Sebastian!” sigaw ko ulit. Nakakairita ang mukha niya! Gusto ko siyang sampalin kaso may awa pa naman ako sa kanya. Sa buong buwan ng pagbubuntis ko alam kong nahihirapan sa akin si Sebastian. Kasi ayaw na ayaw ko siyang makita. Siya ang pinakakinaiinisan kong tao sa buong mundo. “My child will look like me if you keep on hating me,” nakangusong sabi niya. Mas mabuti nga kung magiging kamukha niya ang anak namin. May isasabak na ako sa miss universe. 'Yon naman talaga ang plano ko nung una pa lang, eh. Dapat maging kamukha ni
CHAPTER 104Gusto ni Tita Rizza na mapabilis ang kasal namin ni Sebastian. Bumalik na ako sa aking pag-aaral at habang nag-aaral ako ay naghahanda na rin kami para sa aming kasal. Pinagsasabay ko rin ang aking pag-aasikaso ng aking negosyo. Kahit maliit lang ang kita dahil kaonting mga orders lang ang pinagsasabay ko ay ayos na rin. At least tuloy-tuloy ang kita ng negosyo ko. Hindi kasi pwedeng marami ang tatanggapin kong order dahil baka hindi ko naman mabigyan ang lahat ng good quality kung mamadaliin ko. Kaya naman ang aking ginagawa ay sa tuwing walang pasok ay gumagawa ako ng mga orders o kaya nagdedeliver. Ang bahay na pinagawa ni Sebastian para sa amin ay hindi ko pa napupuntahan. Hanggang ngayon wala pa rin akong kaideya-ideya kung saan ba 'yon nakatayo at kung gaano kalaki. Ayaw niya kasing sabihin! Pagkatapos ng aming kasal sa simbahan ay doon na kami lilipat. Ang honeymoon din namin ay pagkatapos na rin ng kasal sa simbahan. Napag-usapan na rin namin ni Sebastian
CHAPTER 103“See? I told you hindi sila magagalit sa atin,” sabi ni Sebastian. Puno pa ng yabang ang kanyang boses.“Sa 'yo ako magagalit! Bakit hindi mo binigyan ng magarbong kasal si Maria! Ang dami ko pa namang customer na designers!”Nilipat ni Tita Rizza ang tingin niya sa akin. “Ako ang bahala sa gown mo! Bukas na bukas din ay kakausapin natin sila para simulan na ang iyong gawin,”Para akong nabunutan ng tinik sa aking narinig. Ilang araw akong hindi nakatulog sa kakaisip nito. Ma baka magalit sa akin si Tita Rizza dahil hindi siya sinabihan sa kasal naming dalawa ng panganay niya.“Mom, that's the reason kung bakit nanlalamig ang mga kamay niya. Akala niya papagalitan mo kami,” pagsusumbong niya pa.Malambing na yumakap sa aking leeg si Tita Rizza.“Maria, hinding-hindi ako magagalit sa 'yo. May pangalawang kasal pa naman kayo. Patingin nga ulit ng singsing mo,”Tinaas ko ang aking kamay upang ipakita sa kanya.“Kuya made sure that it was expensive,” sabi ni Davina. Yumakap
CHAPTER 102“Magandang gabi po, Tita, Tito” Tumayo ako upang yumakap sa kanilang dalawa. Nanlalamig na ang aking mga kamay.“Ang lamig mo naman, Maria. Sebastian, wala ka bang dalang jacket d'yan? Nilalamig siya,”Hinawakan ni Tita Rizza ang aking kamay. Ang matino niyang anak ay tinawanan lang ako. Napansin na tuloy ni Tita Rizza.“Yakapin ko na lang siya, mom,”Pinanlakihan ko ng mga mata si Sebastian. Mamaya ka sa ‘kin. Tumawa ka ngayon, humanda ka sa akin mamaya, Sebastian. “Upo na po tayo para makapag-order na,” sabi ko. Muntik pa akong mautal. Umorder na kami ng aming pagkain. At habang wala pa ang mga order namin ay nag-usap muna kami. “Finally, nag-aya na rin ng dinner sa amin si Sebastian. Excited na ‘tong mga kapatid niya na makita ka ulit, Maria,” Magkatabi kaming naupo ni Sebastian at napapagitnaan nila ako ni Davina. Kaharap naman namin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. “Excited na rin si Maria na makita ulit sila. Right, baby?”Sa ilalim ng mesa ay palihim
CHAPTER 101Pinag-isipan naming mabuti kung paano namin sasabihin sa mga magulang ni Sebastian ang tungkol sa pagpapakasal namin. Nag book kami ng isang restaurant ng dinner kasama ang buong pamilya niya. Pinili namin ang araw ng sabado para walang trabaho at wala ring mga pasok ang kanyang mga kapatid. Nakapagplano na rin kaming pupunta sa mga kapatid ko para pormal na sabihin sa kanila na kasal na kaming dalawa ni Sebastian. Hindi naman magiging problema ‘yon sa mga kapatid ko. Ang inaalala ko lang talaga ay ang mga magulang ni Sebastian. Lalo na si Tita Rizza.“Kinakabahan na ako,” problemadong sabi ko kay Sebastian. Mamayang gabi na ang dinner at umaga pa lang ngayon. Kakagising pa lang naming dalawa ni Sebastian. Ilang araw na ‘tong nasa isipan ko at dumating na nga ang araw na pinakakinatatakutan ko. “You’ve been complaining about it to me since we got married. My mom will never be mad at you,” Never ba talaga? Paano kung ngayon magalit na talaga sa akin? Kahit gusto kong iti
CHAPTER 100“Kinakabahan na ako kung paano natin ‘to sasabihin sa mommy mo. Kailan mo balak sabihin sa kanya?” tanong ko kay Sebastian nang makauwi na kaming dalawa sa condo niya.“Whenever you are ready, Maria. My mom will be mad,” Nanlaki kaagad ang aking mga mata. Hindi ko pa nakikitang magalit si Tita Rizza. Pero ‘di ba sabi nila mas nakakatakot magalit ang mga mababait. Kasi minsan lang sila magalit pero sumasabog naman. “Magagalit na sa akin si Tita Rizza. Bakit ba kasi hindi tayo makapaghintay, Sebastian! Ang sarap mong bigwasan!” gigil na sabi ko sa kanya.Kahit hindi ko naman pwedeng isisi ito kay Sebastian dahil ginusto ko rin namang pakasalan siya ngayong araw.“My mom will be mad at me. Pero hindi sa ‘yo. Ako lang ang papagalitan nun for sure,” sabi niya na parang hindi man lang kinakabahan na papagalitan kami ng mommy niya.“Kailan nga natin sasabihin? Dapat piliin natin ang araw na good mood siya para hindi siya gaanong magalit sa atin,” Naramdaman ko ang pagpasok ng
CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya
CHAPTER 1 “Rizza! Wala bang kanin dito?”Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako naka
CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan
CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n







