CHAPTER 45Nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Bakit po, Ninong? May kailangan pa po ba kayo?” mahina at magalang na tanong ko. Bago pa man makabuka ng bibig o makasagot si Ninong, agad na siyang naunahan ng babaeng katabi niya. Malakas at masigla ang boses niya.“Me! I need water! Thank you!” aniya, sabay ngiti sa akin. Magkaedad lang sila ni Ninong, at parehas silang hindi halata na may edad na. Parang teenager lang din ang beauty niya. Kahit ‘yong katawan, mas maganda pa sa akin na bata.“Sige po, iyon lang po ba, Ma’am?” tanong ko ulit.“Yes, that would be all. Can you get it a little bit fast?” “Kukuha na po ako, Ma’am. Excuse me po,” Agad akong umiwas ng tingin at binilisan ang aking mga hakbang. Kahit nakatalikod na ako, bakit ganoon? Nararamdaman ko pa rin ang mga titig ni Ninong sa akin? Akala ko pa naman makakaalis na ako. Pero kailangan ko pa palang bumalik upang ihatid sa kanya ang tubig na utos niya. Agad akong kumuha ng malamig na tubig, inilagay ito sa malinis na
Last Updated : 2026-05-14 Read more