LOGINCHAPTER 76“Oh my… where’s Kuya?” rinig kong bulong ni Divine sa aking gilid. Nagkatinginan kaming dalawa ni Davina at parehas na hindi alam kung ano ang isasagot namin. Tang ina, english ba naman kasi. “Patay tayo kay Kuya,” wika ni Davina. Kahit marinig pa kami ng dalawa ay hindi naman nila maiintindihan dahil afam naman ang mga ‘to. “Sasabihin ko ba ang pangalan ko?” Palipat-lipat ang tingin ng dalawa sa amin dahil. Nakangiti pero halatang naguguluhan ang mga mukha nila.“Pwede naman, pangalan lang naman, Ate,” kinakabahang sabi ni Divine sa akin.“I’m Maria,” tipid na sabi ko. Bakit ba kasi english ‘to! Pero palagi namang english si Sebastian. Naiintindihan ko pero hindi ako marunong magsalita ng english. Aabutin ako ng siyam-siyam bago makabuo ng isang pangungusap.“Your name is beautiful just like you, Maria. I am Thirdy. And this is my friend Knight,” Tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. “Is this your siblings?” “Yes, we are siblings!” sagot ni Divine sa kanila.
CHAPTER 75“Hindi ko isusukat! Surprise ko ‘to sa ‘yo kaya doon ko na isusuot sa outing natin,” nakangusong sabi ko.Binuklat niya lahat ng mga pinamili ko. Nakalatag na sa malaking sofa habang tinitingnan niya iyon isa-isa. At gusto niya pang isukat ko iyon.“Try it. Especially the bikinis,” “Suprise ngani! Paano magiging surprise kong isusukat ko na?” pagdadahilan ko pa. Gusto ko lang talaga siyang asarin. Ang mga pinili ko kasing bikini ay mga t-back. Sexy lahat ng pinili ko kaya problemado siya ngayon.“Are you sure that you are going to wear all of these?” Nasa bewang na nito ang kanyang dalawang kamay. Kung nakakasunog lang ang mga titig niya kanina pa nag-aalab ang mga bikini ko.“Malamang! Kaya nga binili ko para may maisuot ako. Sayang naman ang pera ko kung itatago ko lang ‘yan,”Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong-hininga. Minsan lang ako magsuot ng bikini kaya dapat lubos-lubusin ko na ito.“You are allowed to wear these but you need to cover it with my shirt,”Tuma
CHAPTER 74“Pupunta ba tayo?” tanong ko kay Sebastian. Nakahiga kaming dalawa sa ibabaw ng kama at parehas na walang suot na mga damit. Pinag-uusapan naming dalawa kung pupunta ba kami sa outing ng pamilya niya. “Yeah, my mom will be mad if we won’t be there,” aniya. Napapapikit ang aking mga mata habang sinusuklay ni Sebastian ang aking buhok. “Magkikita na kami ng mga kapatid mo,” Hindi naman na ako kinakabahan katulad ng dati. Magaan naman ang loob ko sa mga magulang niya. Nabawasan na ang aking kaba dahil akong mga mababait ang kapatid niya. Mabait ang kanilang puno kaya syempre alam kong ganoon din ang bunga. Kahit bastos lang ang bunganga nitong panganay nila mabait din naman ito.“Still nervous?”Tumango ako. “Oo, pero hindi naman katulad nung kaba ko nung unang pagkikita namin ng mga magulang ko,”Mabilis lang naman akong makipag-kaibigan dahil nga mahilig akong makipag-usap. Kahit hindi ko nga kilala ay mahilig akong magkwento. “They will like you. Like my mom and dad,”
CHAPTER 73"Ayos ka lang ba? Sandali at magpapakuha ako ng yelo para ilagay sa pisngi mo," nagmamadaling sabi ni Tita Rizza."Why? What happened? Bakit kailangan ng ice?" tanong naman ni Sebastian.Nandito na kami sa loob ng opisina ni Sebastian. Ang sakit pa rin ng aking pisngi dahil sa naging sampal ni Nina sa akin. Buti na lang nakaganti ako. Hindi ako makakatulog ng maayos kung sakaling hindi ako nakaganti sa kanya. "Why is your cheeks red?" nag-aalalang tanong niya.Lumabas si Tita Rizza upang kumuha ng yelo. Hindi na namin napigilan dahil nagmamadali ito."Nasampal ako nung inggitera kong pinsan. Ang sakit para akong mabibingi. Ang liit-liit lang nun pero ang lakas-lakas ng sampal niya," wika ko habang hinahaplos ang aking pisngi."Pero 'wag kang mag-alala dahil gumanti naman ako. Dalawang sampal ang binigay ko," paninigurado ko sa kanya. Inuunahan niya ako kaya dapat na gumanti tayo. Hindi tayo papayag na api-apihin lang tayo. Kung dati, hinahayaan ko siyang saktan ako kahit
CHAPTER 72“Rizza, sayang naman itong mga pinamili namin! Nasa kotse niyo na, ‘di ba? Sa ‘yo na ‘yon. Maliit na tulong lang naman iyon para sa amin. Sa susunod na travel namin sa ibang bansa ay bibilhan din kita ng mas maraming bag na pasalubong!”Mahina niya pang hinampas ang braso ni Tita Rizza na para bang close silang dalawa? Feeling close rin itong Tita ko, eh.“Ibabalik ko na lang sa inyo. Kung hindi n’yo tatanggapin ngayon ay ipapadala ko na lang sa mga tauhan namin sa inyong bahay,”“Bakit mo naman ibabalik, Rizza? Sabi ko nga pamilya na tayo, ‘di ba? Pawelcome namin ang mga ‘yan sa inyo. Bakit ba dito tayo nag-uusap sa parking lot? Pumasok kaya tayo sa loob? Para makapag-usap tayo ng mas maayos,”“Or maybe we can go to the cafe nearby,” singit naman ni Nina. Gigil na ako sa mag-inang ‘to, ah? Inuubos nila ang pasensya ko. Sagad na sagad na. Paulit-ulit ko lang nilalagay sa aking isipan na hindi pwedeng gumawa ng eksena rito sa kumpanya ni Sebastian. Sa susunod na lang kapag
CHAPTER 71Mabilis akong bumaba sa mesa at inayos ang aking sarili. Naabutan pa kaming nasa ganoong posisyon! “Good morning po, Tita!” bati ko sa kanya.Nakangiti na kaagad si Tita at mukhang hindi pa ito nagulat sa nadatnan niya.“Mom, at least just knock before going in,”“Where’s my good morning, Sebastian Dwayne?” nakataas ang kilay na tanong niya. Napanguso si Sebastian at umupo sa swivel chair niya.“Good morning, Mom,” tamad na bati nito.“Good morning, Maria! By the way, pamilya mo raw ang nakasalubong ko sa labas? Bakit pinalabas sila? At ikaw daw ang may utos nun Sebastian?” nagtatakang tanong niya.Nagkatinginan kaming dalawa ni Sebastian. "It's a long story, Mom. Did they say anything to you?""Wala naman. May binigay lang sila. Mga pasalubong daw? Binigay nila sa akin, nandoon sa sasakyan at iniwan ko,""Tinanggap mo, Mom? Sana hindi mo tinanggap,""Bakit? Bawal ba? Ano'ng meron? Sabi kasi nila pamilya mo raw sila, Maria. Kaya naman tinanggap ko na. Hindi mo ba sila p
CHAPTER 1 “Rizza! Wala bang kanin dito?”Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako naka
CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan
CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n
CHAPTER 3Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung nalilibugan man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa muk







