CHAPTER 61“Ang bait-bait naman po ng amo n'yo, Ate! Gusto ko na po rito!” masayang sabi ni Reymark. May patalon-talon pa siya sa kama namin. Inaayos ko ang mga damit nila at nilalagay sa loob ng cabinet.“Basta magiging mabait lang kayo. Ang bait-bait ni Ninong Dwayne sa atin. Kaya 'wag matigas ang ulo. Lalo ka na, Reymark,” wika ko sabay turo sa aking kapatid. “Mabait po ako, Ate! Magpapakabait po ako rito dahil ang daming pagkain! Ang sarap kumain palagi,” Natatawa na lang kaming dalawa ni Rayza sa bunso namin. Kapag pagkain talaga. Kung nakikita ko ang mga ngiti nila, double ang saya ng puso ko. Sa wakas, hindi na limitado ang pagkain ng mga kapatid ko. “Ate, pwede rin ba kaming maglaro sa bakuran? Ang lapad-lapad ang sarap tumakbo,” tanong ulit ni Reymark.“Pwede naman ata. Pero kapag oras ng trabaho hindi ka pwedeng maglaro, Reymark,”Baka pag-initan kami lalo ni Manang Leoni dito. Maayos ang pakikitungo ni Ninong sa mga kapatid ko.“Ate Rizza, magiging mabait po kaming
최신 업데이트 : 2026-05-17 더 보기