Chapter 24Noon, kapag naririnig ni Astrid ang ganitong boses, agad niyang bubuhatin at yayakapin ang bata. Pero ngayon, nanatili siyang nakatayo. Yumuko lang siya nang bahagya para pantayan ang tingin ni Raica."Apologize for what, Raica? Bakit ka humihingi ng tawad?" tanong ni Astrid sa malumanay pero matatag na tono.Kinagat ng bata ang kaniyang labi at hindi nakasagot. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Ito ang lumang teknik ni Raica na tuwing nagkakamali siya, sapat na ang ganitong itsura para mapatawad siya ni Astrid.Pero sa pagkakataong ito, hindi natinag si Astrid."Hindi sapat ang umiyak, Raica. Kailangan mong maintindihan kung ano ang ginawa mo," dagdag pa ni Astrid nang makitang hindi nagsasalita ang bata.Dahil dito, tuluyan nang napahagulgol si Raica. "I... I just want you to stay! Astrid, huwag ka nang umalis!" sigaw ng bata sa gitna ng kaniyang pag-iyak.Napabuntong-hininga si Astrid. Alam niyang naging spoiled si Raica dahil na rin sa labis na pagpa
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-03 Mehr lesen