Chapter 349Napalingon ang mga bisita sa kanya, naghihintay sa susunod na eksena."Gusto ko lang ipalam sa lahat na si Ms. Astrid ay opisyal na kasosyo sa TY Gallery, kung saan ako mismo ang naglabas ng puhunan," nakangiting pahayag ni Ryker, pormal at may awtoridad ang boses na umalingawngaw sa bulwagan habang sumasabay sa tunog ng ulan sa labas.Tumingin si Ryker sa mga mayayamang matanda na kanina pa nagbubulungan."Mula ngayon, maaari ninyo na siyang tawaging General Janinan o kaya naman ay Prof. Peter sa industriya ng sining. At siyempre, kilala rin siya bilang Ingrid, ang isa sa pinakamagaling nating auctioneer," pagpapakilala pa ni Ryker, tinaasan ng kilay ang mga marites sa harap. "Sana ay matutunan ninyo siyang tawagin sa tamang pangalan at titulo sa mga susunod na araw."Tumingin si Ryker kay Caroline na unti-unting namumutla ang mukha."Pagkatapos ng lahat, may ibang tao na ang gagamit ng titulong Mrs. Romanov mula ngayon," pagtatapos ni Ryker na may pilyong ngiti sa kanyan
Read more