Chapter 390"Ano naman ang itatago ko sa iyo, Ryker? Masakit lang talaga ang tiyan ko, huwag mo na akong alalahanin," nakangiting turan ni Astrid, pilit na pinapanatili ang kaswal na tono ng kanyang boses.Nang makitang tumatanggi pa rin itong magsababi ng totoo, dahan-dahang lumamig ang mga mata ni Ryker. Unti-unting nawala ang init sa kanyang titig."Mabuti naman kung ganoon," nakangising saad ni Ryker, bagaman hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata. "Nag-aalala lang din ako sa iyo.""Oo, maayos lang ako. Kailangan ko lang talagang magpahinga pagkatapos nito," sagot naman ni Astrid.Simula nang tumapak si Santi sa loob ng naglalakihang pinto ng banquet hall, hindi na niya maalis ang kanyang paningin sa direksyon ni Astrid. Kahit pilit niyang itinutuon ang pansin sa mga kausap, ang gilid ng kanyang mga mata ay nananatiling nakatutok sa dating asawa.Nakita niya kung gaano kagaan ang pakikipag-usap nito kay Ryker. Nakita niya ang bawat ngiti ni Astrid habang idinidikit ang baso ni
続きを読む