Chapter 502Napatingin si Astrid sa kumikislap na patalim. Nanginginig na ang dalawa niyang kamay habang nakahawak sa manibela."Ryker, kumalma ka... huwag kang magpadalos-dalos," pakiusap ni Astrid, pilit na pinapakalma ang sariling boses. "Nasa harap tayo ng police station. Kung susuko ka ngayon, may pag-asa pa. Huwag mong sirain ang buhay mo! Huwag kang gumawa ng katangahan!"Habang pinapakalma si Ryker ay mabilis na nag-iisip si Astrid kung paano makakatakas.Nag-iwan si Santi ng mga bodyguard para sa kanya, ngunit hindi niya alam kung nakatambay pa rin ba ang mga ito sa paligid habang nakakulong siya nang bente-kwatro oras.Higit sa lahat, wala siyang ideya kung ano na ang nangyari sa labas, o kung bakit bigla siyang kinidnap ni Ryker. May masamang nangyari na hindi niya nalalaman.Lumingon-lingon si Ryker sa paligid, balisa at halatang nagmamadali."Astrid, ayaw ko namang humantong sa ganito, e!" galit na sigaw ni Ryker. "Pinilit mo lang ako! Magmaneho ka na!"Hindi na nangahas
Read more