Chapter 476Napaikit si Santi. Masakit. Sobrang sakit.Kahit kailan ay hindi na pala naisip ni Astrid na palakihin ang mga anak nila nang magkasama. Hindi na nito naisip na bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon. At mas lalong hindi na nito naisip na patawarin pa siya...Kung ayaw mo akong patawarin, huwag mo na akong patawarin, usal ni Santi sa kanyang sarili habang nakatitig sa likod ng babae.Ang sakit na naidulot niya rito ay tunay na hindi na mapapatawad pa. Pero hindi niya kayang pigilan ang sarili na mahalin ito. Walang nakakapagpabago noon.Habang nabubuhay siya, gagawin niya ang lahat para mahalin at protektahan si Astrid.Dati, noong nagpakasal sa kanya si Astrid nang walang pag-aalinlangan, ibinigay nito ang lahat sa kanya. Ngayon, baligtad na. Anuman ang kailanganin o gustuhin ni Astrid, ibibigay niya nang nakatapat ang dalawang kamay. Kahit pa kailanganin niyang umakyat sa langit o lumubog sa lupa, gagawin niya."Hindi kita gagamitin o aabalahin," pabulong na sabi ni Sant
Read more