Chapter 835Pinaalis na sa laboratoryo ang isa nilang kasamahan, kaya nag-organisa ang lahat para sa isang farewell dinner."Mas masaya 'pag marami tayo, isama mo na rin si Jillian," aya ni Vivian sa isang kasama.Dahil doon, tinawagan naman agad ni Jillian si Kendra para isama sa kainan.Nang makita ni Akirah si Kendra na pumasok sa kainan, hindi man lang siya nabahala o nailang.Wala siyang ginagawang masama, kaya bakit siya maiilang?Inis na inis si Jillian kay Akirah kaya naman sinadya niyang magsalita nang malakas sa harap ng lahat."I didn't expect Akirah to be so capable, ha," pormal-pormalan nitong pambungad habang nakatingin sa paligid."Nasisante na nga sa kumpanya natin dahil sa pagkakamali, pero nakapasok pa rin dito sa lab ni Dr. Nelson. She must have a really powerful background," dugtong pa nito na may halong pang-aasar.Mabilis namang sumabat si Kendra sa napakainosenteng boses."It's all in the past, so don't mention it again, please?" pakiusap nito habang nakahawak p
Read more