Chapter 849Nakatayo sa gilid si Kendra habang nakakuyom ang dalawang kamay."Napakakapal din naman talaga ng mukha niyo, 'no?" singhal ni Kendra, na halos magningas ang mga mata sa galit.Nanatiling tahimik si Akirah habang nakatitig sa kanila, na para bang wala siyang kinalaman sa pinag-uusapan.Kilalang-kilala niya si Stanley. Alam niyang hindi nito kakayaning gawin iyon, lalo na't alam ng lalaki kung gaano sila kahalaga sa buhay nito—siya at si Kendra."Akirah, magsalita ka naman!" iritableng bulyaw pa ni Kendra sa kaniya.Tahimik lang si Akirah at hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan.Bumagsak ang balikat ni Stanley nang mapansing wala man lang balak si Akirah na ipagtanggol siya.Dati naman ay napaka-unawa ni Akirah. Parating ang kapakanan niya ang iniisip nito at kailanman ay hindi siya pinahirapan sa kahit anong bagay.Pero ngayon, hinayaan lang nito si Rui na magsalita ng masasamang bagay tungkol sa kaniya."Akirah, sa bahay na natin pag-usapan 'to, please," pakiusap ni Stan
Mehr lesen