Chapter 859"Anong mga pinagsasasabi mo diyan? By the way, dahil nagkita na rin naman tayo, gusto mo bang sumama sa bahay para maghapunan ngayong gabi? Darating din si Stanley dahil magpapakilala daw siya ng mga kliyente kay Dad," mayabang na alok ni Kendra sa kaniya.Alam ni Akirah na nagpapasikat lang ito kaya lalong naging diring-diri ang kaniyang mukha."You guys are really laughable. Umaasa lang si Stanley sa tatlo niyang ate, habang ikaw naman ay nakadepende lang kay Stanley. Pareho kayong walang mararating pero lakas niyo pa ring magmalaki," pang-aasar ni Akirah sa kanila.Halos mahimatay sa sobrang galit si Liana kaya mabilis siyang inalalayan ni Kendra sa gilid.Tumingin si Akirah kay Shemia habang inaayos ang kaniyang bag."Mukhang hindi rin naman maganda ang mga sapatos dito. Tumingin na lang tayo sa ibang shop," aya ni Akirah sa kaniya."Sige, tara na," mabilis na sang-ayon ni Shemia habang nakatingin din sa dalawa.Habang naglalakad sila palabas ng shoe store, dahan-dahan
Read more