Kabanata 74 Hindi agad nag-angat ng tingin si Arturo mula sa dokumentong hawak niya. “Speak.” Tahimik ang buong opisina, pero mabigat ang atmosphere. Nakaupo si Arturo sa likod ng malaking mesa niya habang nakakunot ang noo, tila pilit pa ring inaalis sa isip ang naging pag-uusap nila ni Marian kanina. Huminga nang malalim si Secretary Max bago nagsalita. “Ten years ago, Dawen was imprisoned for child molestation, physical abuse, and attempted rape.” Biglang tumigil ang dulo ng fountain pen ni Arturo sa papel. Nanahimik ang buong opisina. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Parang hindi niya agad naintindihan ang narinig. “Ano’ng sabi mo?” Mababa ang boses niya. Delikado. Tumigas ang ekspresyon ni Secretary Max. “Madam was the victim.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Arturo. Napatayo siya mula sa upuan. “That person… was Marian?” Tumango si Secretary Max. “Yes, President.” Nagpatuloy ito matapos mag-atubili sandali. “Dawen is a pervert. A
Leer más