Kabanata 88 Pagpasok nina Arturo at Rhian sa venue, iyon agad ang nadatnan nila—napapalibutan si Marian. Halos buong press conference ay nagkakaisa sa pagbatikos sa kaniya. Sunod-sunod ang tanong ng reporters, puro panghuhusga ang laman ng mga boses, habang sina Gabby, Ruby, Jessica, at Dawen naman ay mukhang kampanteng-kampante na nananalo sila. Para bang isa lang ang kalaban sa lugar na iyon. At si Marian iyon. Malamig na pinagmasdan ni Arturo ang eksena. His sharp eyes swept across the crowd. Sa totoo lang, gusto niya itong pagalitan. Hindi ba nito alam kung gaano kadumi ang mundong pinasok nito? How dare she come here alone? Sa dami ng taong gustong sirain siya, naglakas-loob pa rin itong humarap nang walang kasama. “Damn it,” mahinang mura ni Rhian habang agad na kikilos sana papunta kay Marian. Pero bago pa siya makagalaw, nauna nang humakbang si Arturo. Natigilan si Rhian. Napatingin siya sa kaibigan na dire-diretsong naglalakad papunta sa gitna ng venue. “Seriously?” b
閱讀更多