Kabanata 92 Malakas na tumawa si Christopher habang itinaas ang wine glass niya. “Soon, soon,” mayabang niyang sabi. “Kapag official na ang lahat, ako mismo ang manlilibre sa inyong tatlo.” Natatawang tinaas din nina President Lopez, President Mendez, at President Velez ang kani-kanilang baso. “Then we’ll wait for that day, President Navarro.” Nagtagay silang apat. Punong-puno ng satisfaction ang mukha ni Christopher habang iniinom ang wine niya. Sa isip niya, malapit na niyang makuha ang lahat ng gusto niya. Kapag naging manugang nila si Arturo, mas lalong tataas ang status ng mga Navarro. At siya ay mas lalo ring rerespetuhin sa business world. Habang masaya silang nag-uusap, tuloy-tuloy lang sa pag-play ang television sa private room. Walang masyadong nakikinig doon hanggang sa biglang nagsalita ang news anchor. “Today, authorities successfully arrested a suspect involved in child molestation, attempted rape, extortion, and kidnapping.” Bahagyang napalingon ang isa sa mga C
閱讀更多