“Masarap to, Tita,” bulalas ni Adah matapos masubukan ang sinarsahang manok na specialty ng Ginang. Napangiti ang babae at naglagay pa ang ulam sa plato niya. Napanguso naman agad si Maribelle at itinaas sa ina ang mangkok nito.“Mama, naman. Ako ang anak niyo pero si Adah ang binibigyan niyo ng ulam!” ngawa ni Maribelle.Natawa sila. Simpleng ngiti lang ang ginawa ni Havier at nagpatuloy sa pagkain. Tila isang normal na salo-salo ng magkapamilya ang nangyayari sa tanghaling iyon. “Alam mo, Mama. Si Adah ang galing din niya sa pagluluto. Ang dami niyang natutunan sa inyo,” ani Maribelle bakas ang pagmamalaki sa mga mata.“Mas masarap pa rin ang luto niyo po. Huwag kayong maniwala kay Maribelle,” agap niya dahil sa hiya. Walang katulad naman talaga ang mga luto ng Mama ni Maribelle kaya nga ang hilig niyang makikain sa bahay ng kaibigan noon.“Hay naku, Mama. Totoo ‘yon. Ang swerte swerte na ni Jake sa kaniya tapos hayon ang gàgo, nagloko kaya mabuti naman at nakipag-annul na si Adah
Read more