Share

Kabanata 17

Penulis: Scarshbrooke
last update Tanggal publikasi: 2026-05-06 19:17:35

“Buti nga sa kaniya!” napatayo si Maribelle dahil sa ikinuwento niya.

Sinabi niya ang tungkol sa ina ni Jake at ang pakikialam nito sa paghihiwalay nila ni Jake. Kita niyang super satisfied ang kaibigan sa narinig.

Natawa at napapailing na lang siya. Nasa isang club sila. Pangalawang beses na nila iyong ginawa matapos siyang ilibre ni Maribelle roon dati.

Kung dati library at coffee shop lang ang tinatambayan nila. Ngayon ay sa isang club na. Nasa tamang edad na nga talaga sila. Hindi niya l
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 27

    Kaagad na lumayo si Adah kay Kalex bago pa siya makalapit sa table ng Lola nina Jake. Hindi niya pa alam kung anong isasagot sa matanda oras na nagtanong ito tungkol kay Jake. Nagkunwari siyang gusto niyang magtungo sa banyo. Ngunit hindi siya nagpunta roon kundi sa garden. Mamaya niya na haharapin ang matanda kapag naisipan niya nang umuwi. Iniisip niyang pupunta rin si Jake roon para harapin ang matanda kasama siya pero hindi naman pala magpapakita ang lalaki roon. Nakaupo siya sa sementong harang sa may puno. Tumingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin doon. Kahit papaano, may may magandang bagay rin siyang nakita sa bahay nina Jake. “Pretty little liar.”Natigilan siya nang marinig ang boses ni Kalex. Namilog ang mga mata niya nang balingan ang lalaki. Hindi niya lubos akalaing mahahanap siya nito roon. “Biglang nandito ka na. May iniiwasan ka ba?” may panunuya sa boses nito.Kumalma siya at inalis ang tingin kay Kalex. “Wala. Bumalik ka na sa loob. Hinahanap k

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 26

    Kumunot ang noo ni Havier nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina. “Don't tell me. Nirereto niyo na naman ang isang ‘to sa'kin?” may pagdududa sa mga mata ni Havier. Kanina pa nito pinupuri ang isang babaeng nakilala raw ng kaniyang ina sa isang pharmacy. Sabi nito, cute raw, mukhang matalino at masayahin. “Nakuha mo ang punto ko!” tinuro siya ng ina.Napahilot na lang siya sa sentido. Sabi niya na nga ba at doon ang hantungan ng usapan. Kanina niya pa napapansin ang tuno nito habang kinukwento ang tungkol sa babaeng iyon.“Binigyan niya rin ako ng tea at totoo nga ang sinabi niya. Nakaka-refresh ito!” tapos lumagok ulit ang ina sa tasa na naglalaman ng tea na sinasabi nito.“Nagkalat ang mga scammers ngayon. Huwag kaagad kayong maniwala sa kung sinu-sino riyan. Atsaka, may family Doctor tayo, Ma. Sa kaniya ka humingi ng reseta huwag sa kung sinu-sino lang.”Hindi pinansin ng Mama niya ang mga sinabi niya. Sa Mama niya siya nagmana sa katigasan ng ulo. Kahit ilang beses na siyang s

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 25

    “Bakit dalawa ang binili mo?” nakakunot ang noo ni Jake habang pinagmamasdan ang cake na bitbit ni Sofia. Kakalabas lang nito sa kilalang cake shop. Ngumisi si Sofia. “Gusto ko, e.”Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Jake habang nakasunod ang tingin sa papalayong si Sofia. Hindi alam ni Jake kung natutuwa ito dahil pinagbigyan niya ito sa gusto nitong kuning kurso. Ang mas malala ay gusto nitong tutor ang magaling na professor na si Uncle Eduardo.“Mag-coffee muna tayo!” tinuro ni Sofia ang mamahaling coffee shop at kaagad na pumasok hindi pa man nakakapagsalita si Jake.Laylay ang balikat na sumunod na lang ang lalaki sa loob. Wala na rin namang magagawa si Jake. Hindi pa dumarating ang order nila pero panay na pose si Sofia kasama ang cake na binili nito kanina. “Hawakan mo ang kamay ko!” demand ni Sofia at gusto pa nitong agad agad niyang gawin iyon. “Dali na!”Kaya wala ulit choice si Jake kundi ang hawakan na lang ang kamay ni Sofia. Tapos kinuhanan ni Sofia ng picture iyon. K

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 24

    “Oh? Nandito ka pa?”Bulalas ni Maribelle nang makita siyang nakatayo malapit sa kotse nina Jake. Pagkapasok nina Jake sa loob, ilang saglit ay lumabas din si Maribelle. Ang iritasyon kanina ay napalitan nang gulat nang makita siya.Napakurap kurap siya. Saka lang siya natauhan.“Buti nandito ka pa. Balak ko pa man din sumunod sa'yo sa bus stop. Uuwi na rin ako ngayon. Hindi ko kayang tagalan ang pagmumukha ng dalawang iyon sa loob,” anito na ang tinutukoy ay sina Sofia at Jake na kakapasok lang.Napalunok siya. Tamang tama at may dahilan na siya para umalis ngayon. Nandito na si Maribelle at makikisakay na lang siya sa kotse nito imbes na maghintay ng bus. Baka kasi maabutan pa siya nina Jake sa bus stop kapag nag-bus pa siya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sumama kaagad siya sa kaibigan. Wala na. Napurnada na ang dapat na family bonding nito at ng pamilya nito dahil sa pagdating nina Sofia at Jake sa bahay nito. Katulad ni Adah ay malapit din sa pamilya nina Maribelle ang pam

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 23

    “Ano bang pag-iinarte 'yan, Aurora? Akin na ‘yan!”Hindi maiwasan ng ibang dumadaan ang mapalingon sa mag-asawang nagsasagutan sa gitna ng daan. Ang lalaki ay may dala pang bote ng alak habang dinuduro ang asawa nitong babae.“Ayoko, Renante. Alam mo naman na ito na lang ang natira sa pera ko. Hindi madaling maghugas ng pinggan kina Aleng Pili para lang kunin mo at ibili mo ng alak!” humahagulhol na tugon naman ni Aurora.“E di maghugas ka ulit ng pinggan doon. Problema ko ba yun? Mag-iinuman pa kami roon, mabibitin kami pag 'di mo pa binigay sa'kin 'yan!” “Nababaliw ka na ba? Mas uunahin mo pa ‘yan? Iyong mga anak mo sa bahay hindi mo nga binantayan at pinagsaing. Dumeretso ka kaagad sa barkada mo!” bakas ang pagkamangha sa mga mata ni Aurora. Halatang hindi inasahan ng babae na ganun na lang kawalang puso ang asawang lalaki.Tumawa si Ernesto ngunit may pagtagis ng bagang. “Ah, ganun!”Tapos sa isang kurap ay dumapo ang palad ng lalaki sa pisngi nito. Isang nakakabinging sampal ang

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 22

    Pinagmasdan ni Adah ang labas ng sasakyan habang tahimik nilang binabagtas ang kahabaan ng express way. Sa kabila ng katahimikan ay tila naiingayan siya sa mga senaryo na gumugulo sa isipan niya. Paulit ulit na bumabalik sa isipan niya ang mukha ni Havier nang sabihin niyang ihahatid niya si Jake sa bahay nito. Wala na siyang pakialam kung tawagin siyang tanga ni Havier o pagtawanan man siya nito. Ito ang gusto niyang gawin upang matahimik ang isipan niya at maalis ang nakadagan na guilt sa dibdib niya.Bumuntong hininga siya habang nanatili pa rin ang mga mata sa labas. Ilang saglit ay natigilan siya nang bigla na lang natumba si Jake at napasandal ito sa balikat niya. Hindi kaagad siya nakagalaw at ilang saglit siyang natulala habang naririnig niya ang mga paghinga ni Jake. Hanggang sa natauhan siya at itinulak niya pabalik ang ulo ni Jake kung kaya't napasandal ito sa may bintana. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at ilang beses na napakurap kurap. Matapos ang ilang minut

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status