Share

Kabanata 16

Author: Scarshbrooke
last update publish date: 2026-05-05 13:01:29

"Hindi, kailangan na ikaw ang kausapin ko tungkol sa bagay na ito, Adah," pagpupumilit ng Ginang na animo wala na siyang magagawa pa roon.

Nagtagis ang bagang niya. Nakipaghiwalay na siya kay Jake upang wala nang gulo pero heto't nasa harapan niya ang ina ng lalaking nanloko sa kaniya. Hindi na ba talaga siya patatahimikin ng pamilyang ito? Wala na ba talagang puwang sa buhay niya ang katahimikan?

"Kailangan pa bang ako ang magpaliwanag kung bakit ako niloko ng anak niyo? Kailangan pa bang ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 16

    "Hindi, kailangan na ikaw ang kausapin ko tungkol sa bagay na ito, Adah," pagpupumilit ng Ginang na animo wala na siyang magagawa pa roon. Nagtagis ang bagang niya. Nakipaghiwalay na siya kay Jake upang wala nang gulo pero heto't nasa harapan niya ang ina ng lalaking nanloko sa kaniya. Hindi na ba talaga siya patatahimikin ng pamilyang ito? Wala na ba talagang puwang sa buhay niya ang katahimikan? "Kailangan pa bang ako ang magpaliwanag kung bakit ako niloko ng anak niyo? Kailangan pa bang ako parati ang magpakumbaba para lang mapagbigyang ko ang ego niyo?"Natigilan ang Ginang. Hindi siya palasagot sa mga ito noon dahil nakikisama siya at importante sa kaniya si Jake. Lahat ng mga taong importante sa lalaki ay binibigyan niya rin ng importansiya. Sinusubukan niyang mahalin ang mga taong mahalaga kay Jake. Kahit iba ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya at minsan ay nasasaktan ng mga ito ang damdamin niya. Pero tiniis niya ang lahat ng iyon alang alang kay Jake. Iniisip niyang balan

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 15

    Mula sa ibang bansa hanggang sa makarating si Adah sa sariling bansa ay nanatili sa puso niya ang puot sa mga pinanggagawa ng Sofia at Jake na iyon. Nilunok niya ang pride niya at nagpadala siya sa awa niya sa matanda. Pinagtakpan niya ang dalawa dahil iniisip niyang kahit papaano ay pahahalagahan ng mga ito ang effort niya.Tapos ngayon, biglang makikita niyang public nang naglalandian ang dalawa? Kabago bago lang ng annulment nila. Kaya naospital ang matanda dahil sa issue na ito tapos heto ang dalawa at tila walang pakialam sa mga sakripisyo niya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at dumeretso siya sa pinagtatarabahuan ni Jake. Natitiyak niyang nandoon ang lalaki. Kailangan niya itong kausapin. Dahil kung matino ang isipan nito at may pakialam ito sa Lola nito kahit papaano ay makikinig ito at titigilan na nito ang kalokohan.“Tatawagan ko po muna,” ani babae sa front desk ng kompanya.Naghintay siya sa lobby dahil hinihintay pa niya ang balita ng nasa front desk kung pwede niya na

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 14

    Hindi alam ni Adah kung anong gagawin. Nasa harapan niya ang lalaking may malaking parte sa nakaraan niya. Si Havier. Ito ang lalaking nang-iwan sa kaniya ilang taon na ang nakararaan. Hindi niya alam kung may sumpa ba talaga siya at halos lahat na lang ng mga taong mahalaga sa kaniya ay iniiwan na lang siya bigla. Sabay na nawala ang mga magulang niya at sa huli ay ang lalaking unang naging sandigan niya noon. At ang lalaking iyon ay ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Ang pamilyar na pabango ay humahalimuyak at tila hinahalikan ang mukha niya. Ang pamilyar na pabango mula kay Havier ay naamoy niya sa mga oras na yun. Hanggang ngayon ganoon pa rin ang amoy nito walang nagbago. Ang nagbago ay ang ugali nito at pakikitungo nito sa kaniya.Isa nang successful na businessman ang lalaki. May malaking kompanya na nagkalat sa buong bansa. Hindi na maarok ang mga achievements nito sa buhay. Maging siya ay hindi niya na iyon kayang abutin. “Hop in, Adah. Hatid na kita,” kasuwal na sabi

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 13

    Binalingan niya ang kinaroroonan ni Maribelle kanina at nagpatuloy na sa pagpasok. Saktong sakto at nasa Canada rin ang taong isa sa sasadyain niya. Ang senior niya.Isang business class ang kinuha para sa kaniya. At paglapag niya sa airport sa Canada ay ang nakangiting si Wilbert ang sumalubong sa kaniya. Ang Kuya ni Maribelle. “Inakala ni Maribelle na iyong murang ticket ang kinuha mo.”Natawa si Wilbert. Hindi naman talaga si Wilbert ang nag-book ng flight niya kundi ang kanilang Senior na siyang dahilan kaya nandoon din siya. Atsaka susundin niya ang sinabi ni Maribelle na magpatuloy sa pag-aaral.Apprentice lang siya ng kanilang Senior matapos niyang maka-graduate sa Pinas. Kailangan niyang dagdagan ang taon ng pag-aaral niya sa ibang bansa upang mas magkaroon siya ng mas maraming opportunity.“Tayo ang representative ni Senior. Kailangan na'tin dumalo sa gatherings ngayong gabi. Alam mo naman yun ayaw lumabas sa laboratory niya,” ani Wilbert sabay nguso.Maliban sa kanila ni Wi

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 12

    "Jake, may dugo!" bulalas ni Sofia nang mahawakan ang ilong na may dugo.Namilog ang mga mata ni Jake at kaagad na dinaluhan si Sofia na nag-nosebleed. "Sumusobra ka na!" bulalas ni Jake at binalingan niya.Taas ang noo na umayos siya ng tayo at hinarap ito. Kita niyang tila balak pumalag ni Jake sa ginawa niya kay Sofia. "Bakit? Ayos lang sa'yo na ihulog ako ng babae mo sa hagdan pero kapag siya ang nasaktan biglang sasabihin mong sumusobra ako?" nagbitiw siya ng sarkastikong tawa tapos sabihin iyon. "Wow! Ang galing mo naman, Jake. Kung totousin maliit na bagay lang ang sampal kaysa sa ginawa sa'kin ng babaeng 'yan."Tinuro niya ito na may sarkastikong ngiti sa labi."Anong sabi mo? Anong maliit na bagay? Nakikita mo ba 'to na hayup ka?!" pinakita ni Sofia ang kamay nitong may dugo mula sa ilong nito.Hindi mawala ang sarkastiko niyang ngisi. Sa loob niya'y galit na galit siya at nag-aapoy ang kalooban niya sa mga ginagawa ng dalawa pero ayaw niyang ipakita ang galit na iyon. Bibi

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 11

    Pinagmasdan ni Adah ang bahay niya. Ang bahay niya dahil hindi na iyon kanila ni Jake ngayon. Bago siya nagtungo roon ay siniguro niyang maayos ang kaniyang itsura.Nitong mga nagdaang araw ay panay ang sama niya kay Maribelle sa mga spa at kung anu-anong mga beauty salon. Madalas din siyang sumama sa kaibigan sa mga malls upang bumili ng mga bagong gamit niya para sa pag-alis niya tungo sa ibang bansa.Pinaghahandaan niya kasi talaga ang pag-aaral niya sa ibang bansa. Aaminin niyang excited din siya sa bagay na yun. Doon na rin maaring magsimula ang bagong chapter ng buhay niya. Si Maribelle ay sobrang maalam sa mga make-ups kaya ito ang mismong nag-ayos sa kaniya. Suot niya ay off shoulder floral dress na naiilang siyang suotin dati. First time niyang mag-ayos ng ganun. Kaya lang sabi ni Maribelle;"Kailangan mong matutunan ang pag-aayos. Kailangan mo alamin ang mga basics sa pagpapaganda for change. Maganda ka na kahit wala kang make-up pero mas lilitaw iyon kung mas mag-aayos ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status