Saktong pagkapasok ni Adah sa silid nilang mag-asawa ay nakita niya si Sofia na sinusukat ang damit niya sa closet. Pagkatapos ng babae sa damit niya ay ang mga pabango at make-up naman niya ang sunod na pinakialaman nito.Tila ang saya-saya nitong ginagamit ang mga gamit niya. Sa sobrang saya nito ay hindi nito napansin na nandoon siya at pinagmamasdan lang ito.“Gusto mo ang mga 'yan?” Gulat na binitiwan kaagad ni Sofia ang make-up na hawak at humarap sa kaniya.“Uh, hindi, ah. Anong akala mo sa'kin poor? Afford ko rin ang mga 'yan,” depensa ni Sofia.Parang gusto niyang matawa. Ngayon-ngayon niya lang nakitang tuwang-tuwa ito sa mga gamit niya tapos ide-deny pa talaga nito?“Di bale. Sa'yo na ‘yan. Wala nang dahilan para dalhin ko ang mga 'yan,” aniya at nilampasan ang babae para magtungo sa closet. Dadalhin niya lang ang mga gamit na kailangan niyang dalhin at pagkatapos ay aalis na siya at tapos na ang lahat. “Oh bakit? Magbabakasyon ka ba? Kayong dalawa lang ni Jake? Saan ka
Last Updated : 2026-04-16 Read more