POV: Mary Florence Pendleton Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging ganito ang buhay ko. Isang araw, isa lang akong simpleng college student na ang tanging problema ay assignments, exams, at kung paano ko mababayaran ang tuition ko. Ngayon, bawat paghinga ko ay may kasamang takot. Takot sa mundo ni Trenton Maxime Aldridge. Takot sa mga taong gustong sirain siya. At mas lalo akong natakot… nang malaman ko na ako ang pinakamadaling target nila. “Stay inside the mansion at all times.” Iyon ang huling sinabi ni Trenton bago siya umalis kaninang umaga. Malamig ang boses niya, gaya ng dati. Walang emosyon. Walang paliwanag. Pero sa ilang linggo kong pananatili sa kanya, natutunan kong basahin ang pagitan ng mga salita niya. May panganib. Palaging may panganib. Pero hindi ko inisip na darating ito nang ganito kabilis. “Ma’am Mary, kailangan niyo pong pumasok sa loob,” sabi ng isa sa mga bodyguard sa akin habang nasa garden ako. Hindi ako sumagot agad. Pinagmamasdan ko lang
Read more