POV: Mary Florence Pendleton Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Kung kailan naging ganito kabigat ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko silang magkasama. Tahimik akong nakatayo sa may balcony ng mansion, pinagmamasdan ang madilim na hardin habang ang malamig na hangin ay marahang humahaplos sa aking balat. Sa ganitong mga sandali, sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong pakialam. Na ang lahat ng ito—ang kasal na ito, ang lalaking iyon—ay pansamantala lamang. Pero bakit ganito kasakit? Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang loob ng grand hall sa ibaba. Maliwanag ang ilaw, puno ng mga taong hindi ko lubos na kilala—mga taong may kapangyarihan, may impluwensiya, at may mga lihim na hindi dapat mabunyag. At sa gitna ng lahat… Nandoon si Trenton. Nakatayo siya nang tuwid, tila isang hari sa sarili niyang mundo. Malamig ang ekspresyon, matalim ang tingin, at ang presensiya niya ay sapat na para patahimikin ang buong silid. Ngunit hindi siya nag-iisa. Nakatayo sa t
อ่านเพิ่มเติม