Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa loob ng itim na sasakyan. Tahimik ang paligid, pero pakiramdam ko ay parang may mabigat na ulap na nakasabit sa ibabaw ng ulo ko. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Dapat ngayon nasa dorm ako, nagrereview para sa midterm exams ko. Dapat iniisip ko lang kung paano ko mapapasa ang mga subjects ko at kung paano ko matutulungan ang pamilya ko balang araw. Pero ngayon… Papunta ako sa mansyon ng lalaking kinatatakutan ng buong probinsya. Si Trenton Maxime Aldridge. Ang lalaking tinatawag nilang Heartless Mafia Lord. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa bintana. Sa labas, unti-unting lumilitaw ang napakalaking gate na gawa sa bakal. May dalawang armadong guwardiya sa magkabilang gilid nito. Nang bumukas ang gate, parang pumasok kami sa ibang mundo. Napakalawak ng lupain sa loob. May mahahabang driveway, mga ilaw na nakahilera sa gilid ng kalsada, at sa dulo nito ay nakatayo ang isang nap
Terakhir Diperbarui : 2026-04-18 Baca selengkapnya