“Ayan!”Ang matigas at umaalingawngaw na boses ni Rhamesis ay pumuno sa kwarto, binalewala ang sakit ng kaniyang sariling mga sugat.Pindot niya ang earpiece na nakakabit pa rin sa kaniyang tainga, kahit na naliligo na ito sa sarili niyang pawis at ulan.“Yes, Boss!” rinig kong sagot ni Ayan mula sa labas.“Habulin niyo siya. E-lock down ang buong perimeter ng dalampasigan. Huwag ninyong hahayaang makatakas ang kapatid ko gamit ang stealth craft niya. I want him alive, Ayan. Is that clear?!”“Copy that, Boss! Moving out!”Kasunod ng utos na iyon ay ang mabilis na pagkilos ng mga tauhan ni Rhamesis. Ang mga yabag, ang mga sigawan, at ang tunog ng mga speedboat at sasakyan ay mabilis na lumayo patungo sa gubat.Unti-unting bumalik ang katahimikan sa loob ng master suite, maliban sa malakas na pagbuhos ng ulan at ang mabigat at naghahabol na paghinga ni Rhamesis.Nanginginig ang buong katawan ko, dahan-dahan akong gumapang palabas mula sa ilalim ng kama.Nang makatayo ako, halos hindi ko
Read more