Kinabukasan ng hapon, ilang oras na lang bago mag-hatinggabi, dumating ang isang team ng mga wardrobers sa penthouse.May bitbit silang malalaking itim na kahon. Hindi sila nagsalita. Pumasok lang sila, inilapag ang mga kahon sa master bedroom, at umalis na parang mga multo.Nakatayo ako sa paanan ng kama habang binubuksan ni Gabriel ang pinakamalaking kahon.Mula roon, inilabas niya ang isang damit na nagpatigil sa paghinga ko.Isa itong mahabang black evening gown. Gawa sa pinakamahal na silk at velvet. Mayroon itong deep V-neckline na aabot hanggang sikmura, at isang napakataas na slit sa kanang hita na halos umabot sa balakang. Ang likod nito ay ganap na nakalantad.Ito ang depinisyon ng kasalanan, ng tukso, at ng panganib.“Susuotin ko ‘yan?” mangha kong tanong, dahan-dahang hinahaplos ang malambot na tela. “Napakaganda, Gabriel. Mukhang nagkakahalaga ‘to ng isang condo.”“It’s not just a dress, Loisa,” seryosong sagot ni Gabriel.Inilatag niya ito sa kama. Hinawakan niya ang hem
Leer más