“She is not your competition, Loisa,” malamig niyang wika, ang kaniyang mga mata ay walang mababakas na emosyon. “She is my wife.”Nanlamig ang buong katawan ko, pero hindi ko iyon ipinahalata. Pinanatili kong nakataas ang kilay ko.Sanay akong sinasampal ng reyalidad, at sanay akong ngumiti kahit na gusto ko nang manabunot sa inis.“Good to know,” mataray kong sagot, pilit na pinapatatag ang boses ko. Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa sala. “Dahil kung competition ko siya, panalo na ako. Buhay ako, nakatayo rito, at hawak ko ang dalawang milyon mo. Siya? Nasa isang madilim na kulungan, naghihintay na iligtas mo.”Narinig ko ang mabibigat niyang yabag mula sa likuran ko. Bago pa ako makalayo, marahas niyang hinawakan ang braso ko at pinaikot ako paharap sa kaniya.“Don’t push it, Loisa,” nagbabantang bulong niya. Ang mga mata niya ay naglalagablab sa galit.“I’m just reminding you of our transaction, Agent,” malamig kong ganti, pilit na binabawi ang braso ko. “Bayad ako. Gaga
Leer más