Ang VIP floor ng Crimson Cloud Nine ay nasa ikalawang palapag. Hindi basta-basta nakakapasok dito kung wala kang membership card na nagkakahalaga ng kalahating milyon bawat taon.Pag-akyat ko pa lang sa hagdan, iba na agad ang hangin. Mas tahimik, mas pino ang musika, at mas malalaki ang mga espasyo sa pagitan ng mga velvet sofas. Wala ritong mga sumasayaw na babae sa pole. Ang mga babae rito ay nakaupo sa tabi ng mga kliyente, nagbubuhos ng alak, at nakikipag-usap na parang mga lehitimong asawa.Huminto ako saglit sa may bar counter. Kumuha ako ng isang baso ng champagne at sumandal.Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto.Sa kaliwa, may isang grupo ng mga pulitiko. Maingay, nagyayabangan, at panay ang himas sa mga hita ng mga babaeng katabi nila. Pass. Madaming pera, pero masyadong demanding at takot ma-issue.Sa kanan, may isang sikat na artista na alam ng lahat na may asawa na. Tahimik lang, pero ang kamay ay nasa loob na ng damit ng kasama niya. Pass. Kuripot ang mga ganyan.K
Read more