“Alam ko.” Napabuntong-hininga ako. “Pero kung tama ako, kailangan kong malaman kung bakit niya ginawa iyon.”“Malalaman natin.”Hindi ko alam kung bakit, pero mas naniwala ako sa kaniya kaysa sa sarili kong mga hinala. Siguro dahil sa unang pagkakataon mula nang magising akong multo, may taong hindi basta nagsasabing imposible ang lahat ng ito.“Gagawa ako ng paraan para makausap ang pamunuan ng Apex Logistics bukas,” dagdag ni Ethan. “Gagamitin ko ang review ng kontrata bilang dahilan. Kailangan nating makita kung paano sila tutugon kapag inilatag natin ang mga dokumento.”“Salamat, Ethan.” Ngumiti ako. “Kahit minsan ay para kang pinatuyong ampalaya na binabad sa suka, alam kong may mabuti ka ring side.”“Huwag mo muna akong pasalamatan. Wala pa tayong nahahanap na salarin.”“Opo, boss! Bukas, magiging tahimik akong anino.”“Duda ako roon.”“Hoy!”Bumalik siya sa laptop. Ako naman ay naupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas ng bintana.May lead na kami.
Read more