Sumara ang pinto sa likuran ni Helena.Nagmukhang napakaliit ng marangyang penthouse nang pumasok siya. Ang kaniyang simpleng presensya ay nagbigay ng kakaibang bigat sa silid. Naglakad siya patungo sa dining area, ang kaniyang mga mata ay pumasada sa buong kwarto.Nakita niya ang romantic setup. Ang dalawang baso ng alak, ang lumamig na steak sa mesa, at ang dalawang kandila na binalot na ng kadiliman dahil sa pag-ihip ko kanina.Naramdaman ko ang matinding hiya na gumapang mula sa talampakan ko hanggang sa mukha ko. Parang pinaliliit ako ng mismong eksena.Nakatayo ako roon, nakasuot ng simpleng white slip dress, samantalang siya ay nakatayo sa kaniyang mamahaling coat—ang legal na asawa na nakatitig sa desperadang paghahanda ng isang kabit.Umupo si Helena sa isa sa mga upuan sa mesa. Hinawakan niya ang kaniyang coat at dahan-dahang inayos ito.“You set all of this up for him,” mahinay niyang wika, hindi nagtatanong kundi nagpapatunay.“Ano ba talagang kailangan mo, Helena?” malami
Magbasa pa