Loisa’s POVIsang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong yate.Nakatayo ako sa gitna ng malawak at marangyang cabin ni Michael.Sa labas ng malalaking bintana, tahimik na humahampas ang mga alon ng Manila Bay. Madilim ang kalangitan, at ang tanging ilaw lang sa loob ng kwarto ay nagmumula sa malaking flat-screen TV na naka-mute, kung saan nag-fla-flash ang "BREAKING NEWS" sa iba't ibang news channels.“Malaking sindikato sa Cavite, buwag na! Bilyonaryong si Alejandro Villaforte, patay sa isang engkwentro.”Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko, may isang malaking kamay na sumasakal sa lalamunan ko. Ang mga mata ko ay nakapako sa screen.Ipinapakita ang footage ng Hacienda Santa Rosa. Punong-puno ng mga police tape, mga ambulansya, at mga body bags na inilalabas mula sa underground facility.“UCC is gone, Loisa,” basag ang katahimikang pumasok si Michael mula sa deck. May hawak siyang tablet, ang mukha niya ay seryoso at hindi mabasa.Napalunok ako ng isang matigas na bikig. “Si… s
Read more