Tatlong araw pagkatapos ng interview, nag-organize ako ng isang private art exhibition sa isang exclusive gallery sa Makati.Tahimik ang hapon.Ang ulan sa labas ay malakas, humahampas sa malalaking salamin ng gallery. Nakatayo ako sa harap ng isang abstract painting, may hawak na champagne glass, habang si Lloyd ay nasa tabi ko, tahimik na naglalaro ng kaniyang tablet habang binabantayan ng dalawang armadong bodyguards.“Madame Loisa,” tawag ni Roldan, ang head of security namin, mula sa earpiece niya. Bakas ang matinding kaba sa boses niya. “May breach sa front entrance.”Kumunot ang noo ko. Ibinaba ko ang baso ng champagne.“Anong breach? Roldan, we bought this place out for the day. Walang pwedeng pumasok na walang invitation.”“H-Hindi namin siya mapigilan, Ma'am. Isa lang siya pero... pinatumba niya ang apat na tauhan natin sa lobby. Papunta siya diyan.”Bago pa ako makasagot, nakita kong bumukas ang malalaking double doors ng gallery.Tumigil ang tibok ng puso ko.Isang lalaki
Read more