Sikat ng araw ang unang gumising sa akin.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, inaasahan na sasalubungin ako ng malamig na hangin ng aircon at ang malawak na espasyo ng kama.Ngunit sa halip, ang bumungad sa akin ay ang pamilyar at nakakapanatag na amoy ng mamahaling kape, toasted bread, at ang matapang na pabango ni Zian.Napabaling ako sa gilid.Nakatayo si Zian malapit sa dulo ng kama. Nakasuot lang siya ng itim na sweatpants, hubad ang kaniyang itaas, at ang kaniyang magulong buhok ay bumabagsak sa kaniyang noo.May hawak siyang isang bed tray na puno ng pagkain, pancakes na hugis puso na medyo tabingi ang isa, sariwang prutas, gatas, at mainit na kape na alam kong para sa kaniya dahil bawal sa akin ang caffeine ngayon.Nang mapansin niyang gising na ako, agad na nagliwanag ang madidilim niyang mga mata.Ibinaba niya ang tray sa bedside table at mabilis na lumapit sa akin.“Good morning, my beautiful wife,” malambing at paos na bati niya.Hindi pa man ako nakakasagot, yumu
Read more