AGATHA.“Prove it then, Boss. Baka kasi na-stress ka lang masyado sa mga table napkins mo kaya ka nanghihina ngayon,” mapanukso kong hamon, ginagamit ang aking alaala noong mga panahong ako ang paborito at mapang-akit niyang maid.Umigting ang panga niya. Ang mga ugat sa kaniyang leeg ay lumitaw sa tindi ng pagpipigil. Isang mababa, malademonyo, at nakakapanindig-balahibong ungol ang kumawala sa kaniyang lalamunan bago niya marahas na inangkin ang aking mga labi.Isang gutom at mapamuksang halik.Ang kaniyang mga labi ay gumalaw nang may matinding awtoridad, pilit na binubuksan ang aking bibig upang mas laliman pa ang kaniyang pag-angkin.Napasinghap ako, at ginamit niya ang pagkakataong iyon upang ipasok ang kaniyang dila, nilalasap ang bawat sulok ng aking bibig na parang isang nauuhaw na halimaw.Napasabunot ako sa kaniyang makapal na buhok, tumutugon sa marahas niyang ritmo.Bumaba ang kaniyang malalaking kamay mula sa pader patungo sa aking baywang. Walang pag-aalinlangan, sapili
Read more