SA ikalawang palapag, sa loob ng kanilang silid.Panay ang iling ni Janella, nanaginip siya. Magulo, malabo , ngunit tila totoo ang lahat ng eksena sa kaniyang panaginip. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Ang mahigpit na yakap ni Brielle, ang init ng katawan nito, at ang mababa at paos na boses na paulit-ulit bumubulong sa kaniyang tainga.Kahit tulog siya, bahagyang nakakunot ang kaniyang noo habang nakaawang nang kaunti ang labi, para bang hindi malaman kung nananaginip ba siya o muling binabalikan ang alaala.Masyadong matindi ang naging epekto ng gabing iyon sa kaniya. Parang hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga kamay ni Brielle sa kaniyang bewang.Hanggang sa banayad na dumampi ang mainit na palad nito sa noo niya Mahahaba ang mga daliri nito, malambot at tila ulap na dumadampi sa balat niya.Kasabay no’n ang pamilyar na amoy ni Brielle—presko, malinis, at nakakapagpakalma.“Hey,” mahina at paos nitong tawag, “gi
最後更新 : 2026-05-23 閱讀更多