Matapos samahan si Blythe sa kaniyang kabiguan, nagpaalam na si Janella. Habang naglalakad siya palabas, biglang tumunog ang hawak niyang selpon. Nang makita kung sino ang caller ay agad niya iyong sinagot. “Jake, napatawag ka?” bungad na tanong niya rito. “Ate, nasaan ka ba? Kanina pa kita hinihintay. Gutom na gutom na ako. Bakit hindi ka pa umuuwi?” rinig niyang tugon nito mula sa kabilang linya. Napailing si Janella. “Kung gutom ka na, edi kumain ka. Huwag mo na akong hintayin.” “Ayoko,” reklamo ni Jake. “Mas masaya akong kumain kapag kasama kita. Nawawalan ako ng gana kapag wala ka.” Napataas ang isang kilay ni Janella. “Sus, talaga lang ha? Eh, bakit sabi ng kasambahay, kaninang tanghali nakaubos ka raw ng limang steak, tatlong plato ng kanin, isang mangkok ng chop suey, at isang buong leche flan bilang dessert. Iyan ba ang hindi ginaganahang kumain?” “Ate naman…” daing ni Jake. “Sanay lang akong mag-lunch mag-isa, pero iba pa rin kapag hapunan. Gusto kitang kasama.
Última actualización : 2026-05-18 Leer más