Habang nag-iisip si Blythe, kinuha ng ginang ang isang kulay rosas na kahon ng regalo at iniabot ito sa kanya. “Blythe, anak, heto pala ang birthday gift ko sa ‘yo. Pagpasensyahan mo na't ngayon ko lang naibigay.” Nakangiting namang kinuha iyin ni Blythe. “Anong regalo po ba ‘to, Mhy?” “Buksan mo.” Pagkabukas niyon, isang koronang may mga diyamante ang bumungad sa paningin ni Blythe. Nakakasilaw ang kinang ng mga iyon. May malaking cherry blossom pink diamond pa sa gitna, siguro mga 50 karat iyon. “Wow, ang ganda, Mhy! Matagal ko nang gustong magkaroon ng ganito, kaya lang mga private collector ang nagmamay-ari ng mga ito.” “At ngayon, isa ka na sa mga iyon.” Kinuha ng ginang ang korona at inilagay ito sa ulo ni Blythe. “Maganda na po ba ako, Mhy?” “I think so…” sagit ng ginang. “Teacher Janella, maganda na po ba ako?” “Maganda naman.” Tumingin si Blythe kay Brielle. “Ikaw, Kuya, maganda ba ako?” “Pangit.” Kumunot-noo, at tumaas ang isang bahagi ng labi ni Bl
最後更新 : 2026-05-30 閱讀更多