NANG tuluyang makaalis si Jake, agad na inayos ni Brielle ang isang bahagi ng upuan, saka bahagyang sumandal roon. Habang si Janella naman ay nakahiga pa rin. Hinawakan niya ang sarili. Mabuti na lang at agad nilang naisuot kanina ang kanilang mga damit, at ang tanging suot niya sa kaniya ibaba ay ang kaniyang undies. Hindi na kasu mahagilap ang suot niyang palda at dahil na rin sa pagkataranta kanina. Napatingin roon si Brielle, pagkatapos ay tiningnan siya nito sa mga mata, bago kinuha ang suit jacket at binalot iyon sa katawan niya. Saka hinila siya palapit sa mga bisig nito. “Bumaba na tayo, akyat na tayo sa taas?” “Malamang, alangan namang dito tayo matutulog,” saad pa ni Janella, ngunit wala s'yang lakas para sambitin iyon. Kung kanina ay kondisyon siya, ngunit ngayon—pakiramdam niya’y sinagasaan siya ng trak dahil ang sakit ng buo niyang katawan. Nang sumandal siya sa lalaki, parang siyang jelly, walang lakas at tanging pag-ungol ng mahina bilang pagsang-ayon ang ka
最後更新 : 2026-06-04 閱讀更多