Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamasarap na tulog ko sa buong buhay ko. Malamig man dulot ng aircon, pero ang sarap sa pakiramdam dahil sa mga brasong nakapulupot sa akin. Mas lalo pa akong sumiksik at nang maamoy ko ang shower gel na nanunuot sa ilong ko. Ang bango-bango at ang sarap yakapin. Parang gusto ko rin siyang panggigilan at pagpisil-pisil.Hindi ko napigilan ang kamay ko at pinisil ang matigas na brasong nakayakap sa akin, kaya lamang ay mabilis lang iyon nang marealize ko at matauhan ako. Mabilis akong nagmulat at tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko si Rule na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Nakakahiya!Pero mukhang wala naman sa kanya dahil himbing na himbing siya sa pagtulog. Ngayon ko lang siya nakitang ganito dahil kadalasan ay nagigising akong wala na siya sa tabi ko. Mukhang wala siyang pasok ngayon. Hindi naman mapapasarap ang kanyang tulog kung mayroon. Kaya imbes na gisingin ko siya ay tinitigan ko na lamang siya.Enjoy na enjoy ako sa panon
Read more