“Daddy?”Mabilis kong inalis ang paa ko mula sa pagkakahawak ni Rule nang marinig ko ang boses ng anak ko. Kaagad ko siyang nilingon at bumungad sa akin ang nakakunot niyang noo. Mukhang nagtataka siya dahil sa kanyang nadatnan. Palipat-lipat din ang kanyang tingin sa amin ng kanyang ama na parang may ginawa kaming kababalaghan.“A-Ah… masakit kasi yung paa ko kaya—” nabitin sa ere ang sinasabi ko dahil kaagad niya akong nilagpasan.Mukhang wala siyang balak na pakinggan ang pagdadahilan ko kaya naman ay hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa hiyang nararamdaman ko.Galit pa rin siya sa akin… sa bagay, wala namang kapatawaran ang pang-iwan ko sa kanya.“Daddy, can we go to the beach now?” excited niyang tanong sa kanyang ama na ngayon ay nakatingin sa akin. Alam kong nag-aalala siya dahil sa pambabalewala sa akin ng anak namin. Nang tumango ako sa kanya, ay saka lamang niya nilingon ang anak namin.“Later, sweetheart. After breakfast,” sagot ni Rule sa kanya. Pumalakpak naman si Aurora
Last Updated : 2026-06-04 Read more