Natigilan ako dahil sa isang boses na nagmula sa likuran ko. Kaagad kong nilingon si Rule. May hawak siyang plato na sa tingin ko ay may lamang pulutan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako at, higit sa lahat, kung paano niya nalaman na umiinom ako.“Oo, okay lang naman ako.” Tumawa ako ng peke sa kanya, pero bumusangot lamang siya. Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan sa braso.Akala ko nga ay aagawin niya ang iniinom ko, pero inalalayan niya lang akong bumalik sa ilalim ng puno at pinaupo. Inabot niya ang isang beer at pagkatapos ay binuksan iyon at ininom. Tahimik lamang akong nakatingin sa kanya at, nang makita niya akong nanonood, ay inabot niya sa akin ang plato na hawak niya.“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.Hindi niya ako kaagad sinagot. Inubos muna niya ang laman ng lata ng beer bago niya iyon pinirat at nagbukas ulit ng panibago bago tumingin sa akin.“Because you weren’t in your room,” matipid niyang sagot.
Last Updated : 2026-06-06 Read more