Sebastian's POVPaglapag ko sa Vietnam, wala na akong sinayang na kahit isang segundo. Hindi ko man lang inintindi ang pagod mula sa biyahe. Pagkababa ko ng eroplano, agad kong ginamit ang lahat ng koneksiyon ko para maalerto ang mga airport sa buong bansa.Alas-siyete na ng gabi nang lumapag ang private jet ko sa Ho Chi Minh City. Papalubog na ang araw at nagsisimula nang magliwanag ang buong siyudad. Puno ng ilaw, sasakyan, at mga taong nagmamadaling umuwi.Pero wala akong nakita ni isa sa mga iyon.Sa isip ko, mukha lang nina Vanessa at Conrad ang paulit-ulit na pumapasok.Habang naglalakad ako sa arrival terminal, hindi ko inaalis ang cellphone sa tainga ko."This is Sebastian Montefalco," seryoso kong sabi. "I need every airport in Vietnam on alert.""Mr. Montefalco...""Every single one. My wife and son landed here. Kailangan ko silang mahanap bago pa sila muling makaalis.""Sir, that's impossible. Vietnam is a sovereign nation.""I don't care about sovereignty." Napahigpit ang
Magbasa pa