“Anong nangyari sa kanya?” tanong sa akin ni Lolo Jordan ng makita kami nito ni tito Norman na inaakay paakyat si Gabriel na hindi na alam ang nangyayari sa paligid niya.“Nagkalasingan po sila nila Jarren at ibang barkada niya. Nagmessage sa akin si Jarren na lasing nga po siya kaya sinundo ko na po siya doon.”“Batang yan, oo. Pero ngayon lang siyang nalasing ng ganyan. Kapag lumalabas naman sila ng kapatid mo ay hindi naman lasing kung uuwi. Nakainum, oo. Pero ang ganyan niyang kalagayan ngayon…”“Okay lang, lolo. Natural na lang sa kanilang edad ngayon.”“Hala, sige. Iakyat niyo na siya ng hindi ka mahirapan.”“Salamat, lolo.”Ipinagpatuloy namin ang pag akyat namin sa kanya sa taas hanggang sa kwarto namin.“Sa banyo na po natin siya ituloy, tito Norman.”“Sige, young mistress.”Tinulungan pa ako ni tito Norman na ilagay siya sa bathtub.“Ako na po ang bahala sa kanya.”“Sigurado ka? Malaki pa naman ang katawan niya kumpara sayo.”“Ayos lang, tito Norman. Mahihimasmasan naman siy
Read more