THIRD PERSON POVMaya-maya, inanyayahan na si Emery sa stage ng host.Tahimik na umakyat si Emery habang hawak ang microphone. Sa harap niya, nakatingin ang mga empleyado, lawyers, board members, at ilang trusted business partners.Sa gilid ng stage, naroon si Zion. Nakatayo lang ito, nakapamulsa ang isang kamay, tahimik na pinagmamasdan siya.Huminga nang malalim si Emery bago magsalita. “Good evening, everyone.”Tumahimik ang buong ballroom.“Hindi ko alam kung paano sisimulan ito nang hindi ako magiging emotional,” sabi niya habang bahagyang ngumiti. “Pero gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Sa mga taong nanatili. Sa mga taong bumalik. At sa mga taong kahit sandali ay nagduda, pero pinili pa ring pumanig sa katotohanan.”May ilang empleyadong yumuko, halatang tinamaan sa sinabi niya.Nagpatuloy si Emery.“Hindi naging madali sa akin ang mga nakaraang araw. Alam kong hindi lang ako ang naapektuhan. Pati ang pangalan ng Armani Group, pati ang trabaho ninyo, pati ang tiwala ng mga
Read more