EMERYPagdating namin sa Boracay, diretso kami sa private villa na nirentahan ni Zion. Pero sa totoo lang, hindi ito mukhang simpleng villa, para siyang maliit na resort.Nasa tahimik na part ito ng beach, malayo sa sobrang daming tao. May sariling gate, sariling pathway papunta sa dagat, at may malawak na garden na may mga ilaw na nakasabit sa puno. Sa gitna ng villa, may open living area na tanaw ang pool at dagat.May anim na kuwarto sa loob. Lahat may sariling bathroom, malalaking kama, at balcony. May entertainment room, maliit na gym, activity room, kitchen, at isang malaking dining area na parang pang-event.Siyempre, si Zion ang nag-assign ng kuwarto. Tig-iisang kuwarto kami ni Zion, ang iba naman ay magkakasama. Pero hindi ko alam kung bakit noong sinabi niyang katabi lang ng kuwarto ko ang kuwarto niya, bigla akong kinabahan.“Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong niya habang nakatingin sa akin.“Wala.”“Natatakot ka bang mag-isa sa kuwarto mo?” tanong niya.Napakunot ako ng no
Read more