Share

Ch5- Pabor

Author: Megan Jurado
last update publish date: 2026-04-22 23:27:19

Nakita ni Arthur na nagkumpulan sa harap ng kanyang kwarto sina Cheska, Kurt, Manang, Zephorah at Sandra.

“Arthur…” Agad na lumapit si Cheska, na karga na ang kanyang anak. “Aalis na lang siguro kami. Kasi mukhang hindi kami welcome sa bahay mo.” Saad ni Cheska.

“Bakit? Anong nangyari?” Tanong niya nang mahinang hinaplos si Kurt na humihikbi sa pag-iyak.

“Pinagbibintangan nila ang anak ko na may ginawang kasalanan daw. Arthur… Kilala mo naman si Kurt kung gaano kabait na bata.” Pag Depensa ni Cheska.

“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita kung ano ang hitsura ng mga gamit ni Z?” sarkastikong tanong ni Sandra na agad hinawakan ni Zephorah para manahimik.

“Actually.. Wala naman akong pakialam sa ibang gamit ko na sinira ng anak mo. Pero… Nakikita mo ba itong hawak ko? Itong mga pira-pirasong litrato na pinunit ng anak mo… Ito ang natatanging remembrance ko sa magulang ko. Ito na lang ang natitirang litrato ko kasama nila, pero ano?… Pinagputol-putol niya.” Hindi na mapigilan ni Zephorah na tumulo ang mga luha.

Tila naman lumambot ang kaninang galit na mukha ni Arthur nang mapagtanto niyang iyon nga ang natitirang ala-ala ni Zephorah sa magulang. Kaya agad niya itong nilapitan.

“Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng pamangkin ko sa mga gamit mo, Babe… Z. Sana mapatawad mo siya.”

HIndi na mapigilan ni Zephorah ang matawa. “Parang kanina lang galit na galit ka nang marinig mo ang iyak ng mahal mong pamangkin. Tapos, ngayon na na-realize mo na may kasalanan siya, hihingi ka ng kasalanan on his behalf? Talaga ba?” Sarkastikong tanong ni Zephorah.

“Z, bata lang iyon. Hindi pa niya alam ang ginagawa niya.”

“Talaga ba?”

“Tsaka baka kasi nakakalat din ang mga gamit mo, kaya akala niya puwede nang itapon. Isa pa, lumang luma na din naman na iyang mga pictures. At matagal nang patay ang magulang mo. Hindi mo na kailangan ’yan.”

HIndi na napigilan ni Zephorah at sinampal nang malakas ang kaniyang asawa, dahilan upang magmarka ang kamay niya sa pisngi ng lalaki at dumugo ang gilid ng kaniyang labi. Napasinghap din ang mga tao sa paligid sa ginawa ni Zephorah. Hindi nila inaasahan na gagawin ng isang mahinhin, mapagpasensya at mabait na si Zephorah Gonzales-Wenseslao ang sampalin ang asawa.

Bumaba si Zephorah at nagtungo sa kanilang sala. Sumunod naman sina Sandra at Arthur sa kanya.

“Babe… Babe…” Habol na tawag ni Arthur kay Zephorah.

“Babe,” hinawakan niya ang asawa upang mapigilan ito sa paglalakad. Nilingon naman siya ni Zephorah.

“Ano?” Singhal nitong tanong.

“Sorry na. Okay? Di ko sinasadya. Ano ba ang gusto mong gawin ko para di ka na magalit sa akin?” Tanong ni Arthur.

“Maghiwalay na tayo.”

Tatlong salita ang nagpatigil sa kanyang asawang si Arthur Wenseslao.

“Anong sinabi mo?” tanong niya.

“Maghiwalay na tayo para matapos na ang kalokohang ito.” Hindi nakikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha ni Zephorah.

Napasinghap ang lalaking tila nalilito pa rin sa pangyayari. “Teka nga…. Ano'ng ibig sabihin nito? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit gusto mong makipaghiwalay.”

“Dahil diyan,” turo ni Zephorah sa pulang marka ng isang palad sa mukha ng lalaki.

“Ito ba? Dahil lang dito, makikipaghiwalay ka na sa akin?” Inis na natawa si Arthur sa sinabi ng asawa.

“Oo,” mariing sagot ni Zephorah.

“Pinagtanggol ko lang naman sina Cheska.” Napataas ang kilay ni Zephorah sa narinig. ‘Pinagtanggol ko lamang si Cheska…’

Mapait na natawa sa isip si Zephorah nang marinig niyang tila malambing ang salita nito kapag nababanggit ang pangalan ni Cheska.

“Kahit anong hilingin mo, Z. Huwag lang makipaghiwalay sa akin.”

Nangasim ang mukha ng kaibigan ni Zephorah sa sinabi ni Arthur.

“Kahit ano, Babe. Gagawin ko o susundin ko.”

“Kahit ano?” Tanong ni Zephorah.

Tumango naman agad ang lalaki. Lihim na napangiti si Zephorah. ‘Tulad ng inaasahan, di siya basta-basta makikipaghiwalay sa akin.

“Sandra, makisuyo ako sa documents.”

“Uncle,” napatingala silang lahat sa hagdanan nang marinig nila ang boses ng isang bata.

“What is it, Kurt?”

Kinuha iyong pagkakataon ni Zephorah upang ayusin ang mga documents.

Lumapit si Arthur sa pamangkin. “Puwede po ba ikaw pumunta sa kwarto. Gusto po kitang makatabi sa pagtulog. Namimiss ko po ang daddy ko.” Saad ng bata.

Nilingon na muna niya ang asawa bago binalikan ng tingin kay Kurt. “Sige. Susunod ako. Nag-uusap lang kami ni Tita Z mo. Okay?” Tumango naman ang bata sa sabi ni Arthur.

Nang bumalik ang bata sa kwarto, bumalik na rin si Arthur sa asawa habang nakahawak sa kaniyang batok na tila ba may sasabihin ngunit nahihiya lamang siyang humingi ng pabor.

“Babe,” agad na hinawakan ni Arthur ang mga kamay ni Zephorah. Napakunot ang kanyang noo nang mapansing may balot ng panyo ang isang kamay ni Zephorah at may marka ito ng dugo. “Napaano ang kamay mo?” tanong niya.

“Sinugatan ng pamangkin mo,” singit na sagot ni Sandra, na agad namang pinandilatan ng mata ni Zephorah ang kaibigan.

“Humihingi ako ng tawad in Kurt’s behalf sa nangyari sa iyo, sa mga pictures at mga gamit mo. Siguro ay hindi pa tanggap ng bata ang nangyari. Mabait naman si Kurt.”

“Talaga lang huh,” pabulong na sagot ni Sandra.

“Sabihin mo sa akin kung ano ang magagawa ko para makabawi sa iyo.”

“Pero okay lang ba na samahan ko muna si Kurt? Namimiss daw niya ang kanyang daddy.”

“Sige.” Maikling sagot ni Zephorah.

“Pumapayag ka?” Tila nagliwanag pa ang mga mata ni Arthur sa sagot ng asawa.

“Di ka galit?” paniniguradong tanong nito.

Umiling si Zephorah. “Hindi. Basta pirmahan mo lang ito. Gusto ko yung property mo sa Tagaytay. I-transfer mo sa pangalan ko.

“Yun lang ba? Sige. Akin na ang documents.” Inabot naman ni Sandra ang papeles sa kanya.

Binasa lamang ni Arthur ang nasa unahang pahina at pinirmahan agad ang dokumento nang makumpirmang transfer of property lamang iyon. Maging ang pangalawa at pangatlong pahina ay pinirmahan niya nang hindi na binasa ang context nito.

Huminga nang maluwag si Arthur. “Sure ka na okay lang sa’yo na doon ako matutulog muna sa mag-ina?”

Tumango si Zephorah. “Oo nga. Napirmahan mo naman na ang gusto ko. Kaya gawin mo na ang gusto mong gawin.” Saad ni Zephorah.

“Thanks. Babe.” Hinalikan siya ng asawa sa pisngi bago nagmadaling umakyat sa second floor para sundan ang mag-inang Cheska at Kurt.

“Ang bilis, ah… PArang si The Flash pala ‘yang aswa mo.”

“Ex- Husband– remember?” Saad ni Zephorah nang may ngiti sa labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch 37- First rejection

    “Are you insane?! Anong marry me? Are you out of your mind?” tanong ni Zephorah.‘Tumama yata ang ulo ng lalaking ito somewhere.’ Sabi ni Zephorah sa kaniyang isip.“You said you’re already divorced. Right?”“Kaya nga. I just got my divorce certificate recently. So, why me?”“Because I find you interesting.” Napatigil si Zephorah sa sagot ng lalaki sa kabilang linya.“No.” Sagot ni Zephorah.“Humanap ka nalang ng ibang papakasalan. Huwag ako.” Dagdag pa niya.“Ayaw mo bang tigilan ka na ng sinasabi mong ex-husband?”“Still… Ayokong magpakasal sa kahit kanino.” Sagot ni Zephorah bago binaba ang tawag.“That’s more like it.” Anang ni Jake na napapangiti habang tinitingnan ang kaniyang cellphone.Samantalang… sa kabilang banda si Zephorah ay ini na pinagpapadyak ang kaniyang mga paa sa inis habang siya ay nakaupo sa kaniyang kama.“Men these days have low EQ!”Maya maya pa ay naisipan niyang tawagan ang kaibigang si Jake upang hingian ng suhestiyon sa kaniyang problema kay Arthur.“Z! Ba

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch36- Marry me

    “Hindi naman tama iyon, Z. Asawa mo ako, ang mga ganitong bagay, tulad ng pag-aaral mo, kung saan ka magtatrabaho, dapat alam ko. Hindi naman kita pagbabawalan pero huwag mo sanang isekreto sakin kung saan ka pupunta.”Napataas ang kilay ni Zephorah sa sinabi ni Arthur. “Kapag sa akin kailangan kong magpaalam sa iyo? Pero kapag ikaw, okay lang na hindi?” Sagot na pabalang ni Zephorah.“...” HIndi nakapag salita si Arthur sa sinabi ni Zephorah. Alam niyang tama ang sinambit ng asawa.“Sige ganito nalang. What if… Let’s file a divorce.”Nag-igting ang panga ni Arthur nang marinig ang salitang iyon mula kay Zephorah.“Divorce?” Nagngingitngit na tanong niya.Marahas na muling hinawakan ni Arthur ang palapulsuhan ni Zephorah, dahil upang mapatalon ito sa gulat. Nanlaki ang kaniyang mga mata at di makapaniwalang tiningnan si Arthur.“Ano ba, Arthur?! Nasasaktan ako!”“Divorce?! I will not let you get away from me! Do you really think na bibigyan kita ng kalayaan para makapaghanap ka ng iba

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch35- Proposal

    “Zephorah! Iha, welcome on board.” matamis na bati ni Mrs. Cruz.“Mrs. Cruz.” Balik na pagbati ni Zephorah.“Salamat sa mainit na pag-welcome mo sa akin dito sa hangar. Rest assured na gagawin ko ang best ko sa trabaho.” Dagdag niya.“Oh, Mr. Zamora, andito ka rin pala. What brings you here?” Tanong ni Mrs. Cruz nang mapansin si Jake.Napakunot naman ang noo ni Zephorah sa pagtataka. Nilingon niya ang kaibigan, “akala ko ba andito ka para sa trabaho?”“Ah– Eh… Si Mr. Cruz ang nagpapunta sa akin.” Naiilang na ngiti ni Jake.“Ganun ba? Hindi niya nabanggit sa akin… But anyways… since you’re already here. I want you to guide Zephorah. Tour her, to get familiarized sa mga nangyayari dito sa hangar.” Utos ni Mrs. Cruz.“Copy, ma’am.” Sagot ni Jake na may pagsaludo pa.Matapos ng mga pagpapakilala sa ibang mga engineer na makakasama nila sa trabaho, ay inilibot naman nila ang kabuuan ng hangar, maging ang mga parte ng isang eroplano. Natapos ang kanilang trabaho, ay agad silang nagtungo sa

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch34- Dual identity

    Sa isang restaurant…Nakapangalubaba si Zephorah sa ibabaw ng lamesa habang naniningkit ang mga matang tinititigan ang lalaking kaniyang kaharap na tahimik na kumakain. Nakasuot ito ng maskara na ang natatakpan ay ang noo hanggang sa ilong nito. ‘Parang pamilyar ang mukha niya… HIndi ko lang mapagtanto kung saan ko nakita. Hindi ba niya tinatanggal ang maskara niya?’ Tanong ni Zephorah sa sarili.Isusubo na sana ni Jake ang kaniyang hiniwang steak na nakatusok sa tinidor. Ngunit napatigil ito sa ere nang mapansin ang pagtitig ni Zephorah sa kaniya.“Staring is rude. Come on, spill it.” Malamig na sabi nito.“Just curious lang. Hindi ka ba naiirita dyan sa maskara mo? Hindi mo ba talaga tinatanggal iyan?”“Tinatanggal naman. Kapag natutulog ako, tinatanggal ko. At kapag nasa ibang bansa ako. It’s just that, my people knew me wearing this.”“Eh, bakit hindi mo nga tinatanggal? Pangit ka ba? Nahihiya ka ba sa mukha mo? O may pinagtataguan ka?” Tuluyan nang ibinaba ni Jake ang kaniyang h

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch33- Hangover

    “Arrgghhh!” Napapikit ng mariin si Zephorah nang maramdaman ang pagpintig ng kaniyang ulo dala ng hangover. Hinilot niya ang kaniyang ulo upang maibsan ang sakit nito.Nang muli niyang buksan ang kaniyang mga mata, napagtanto niyang may kakaiba sa paligid.“Anong nangyari? Takhang tanong niya nang mapansing wala siya sa kaniyang hotel na tinitirhan.Nang tingnan niya ang sarili, halos mapatalon siya sa kaba ng mapansing wala siyang suot na damit at tanging ang underwear lamang ang kaniyang suot sa ilalim ng kumot na bumabalot sa kaniyang katawan.“Shit!” Napamura siya at agad na tumayo upang hanapin ang kaniyang mga damit.Ngunit sa kaniyang pagtayo, naramdaman niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang hita.“Anong kalokohan ang ginawa mo, Z!” Sinabunutan ni Zephorah ang sarili.“Sino ang pumasok sa Bataan?” Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata upang alalahanin ang nangyari kagabi. Ngunit kahit ano ang kaniyang gawin upang maalala ang nangyari, ay nanatiling blangko ang kaniya

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch32- Drunk

    “Sir, nakita ko po sa pub si Ma’am Zephorah kasama ang kaniyang mga kaklase.” Paalam sa kaniya ng kaniyang sekretarya.Nasa opisina si Jake. Sa main headquarters ng kanilang kompanya sa Singapore at kaasalukuyang may kausap itong isang investor na interesadong mag-invest sa kanilang aircraft, nang biglang lumapit ang sekretarya nito upang ipaalam kung nasaan si Zephorah.“Okay, thank you for your time, Mr. Lee. We are looking forward to deal business with you.” Iniangat niya ang kaniyang kamay upang makipagkamay sa investor, na agad namang tinanggap ni Mr. Lee iyon.“Thank you, for doing business with you.” Tugon ng lalaki.“Magbook ka ng VIP room doon.” Utos ni Jake sa kaniyang sekretarya. “Dalhin mo rin ang maskara ko. Ayokong malaman ni Z na andun ako.” Dagdag niya.Tumango ang sekretarya at agad na tinawagan ang may ari ng pub upang ipaalam ang pagdating ng nag-iisang Jake Zamora.Sa business world, kilala si Jake na isang misteryosong business tycoon na si Mr. J. Tanging ang kani

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch4- Memorabilya

    Namula ang mga mata ni Zephorah habang nanginginig ang mga kamay na kinuha ang mga litratong nagkapira-piraso. Nag-igiting na rin ang kanyang mga panga. “Nasaan ang batang iyon?” Nagngingitngit sa galit niyang tanong.“N-nasa itaas po ma’am. Sa loob ng kwarto niyo po ni Sir Arthur.”Ang kwartong ti

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch13- News Article

    Tanghali na nang magising si Zephorah. Ngunit di agad siya bumangon. Masakit ang kaniyang ulo dahil sa hangover. Kasabay din nito ang kaniyang pagkahilo na sa tuwing susubukan niyang bumangon ay nasusuka siya. Bukod doon, namamaga ang kaniyang mga mata.“Shit! Gaano ba karami nainom ko kagabi?” Ni

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch7- Parusa

    Tuwing linggo, nagkakaroon ng simpleng family dinner sa pamamahay ng mga Gonzales, sa mansyon ng lola ni Zephorah, at kinakailangan na lahat ng mga anak, maging ang mga apo, ay dumalo sa pagtitipon na iyon. Upang mapag-usapan ang estado ng kanilang mga negosyo. Isa sa mga kailangang pumunta ay sina

  • Betrayed Wife to Tycoon's Baby Mama   Ch6- Painting

    “Sir Kurt, huwag po ‘yan. Baka mapagalitan kami ni Sir Arthur at Ma’am Z.”“Bleh!” Nilabas ng bata ang kaniyang dila at itinaas ang kamay na may hawak na babasaging vase at sinadyang ibagsak.Isa lamang iyon sa mga mamahaling vase na regalo ng magulang ni Arthur kay Zephorah, dahil sa hilig nito sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status