Naglakad si Amara nang nakayuko ang ulo, tuluyang pagod na pagod.Biglang huminto si Lucien sa harap niya. Yumuko ito at sinabing, "Get on."Tumingin siya rito nang may pagtataka."Ano'ng ginagawa mo?"Nang hindi humaharap, naiinip na sumagot ito, "Didn't you say na injured ang ankle mo? Are you getting on or not?"Sa pagkakataong ito, hindi tumanggi si Amara. Walang sinuman ang kusang nagtitiis ng sakit kung hindi naman kailangan.Isinuksok ni Lucien ang kanyang mga kamay sa ilalim ng kanyang mga tuhod at madaling inangat siya sa kanyang likod.Ang kanyang mga hakbang ay mahahaba at matatag, ngunit naglakad siya nang hindi karaniwang mabagal.Isang malamig na simoy ng hangin ang humahagupit sa ari-arian, na nagdadala ng amoy ng basang lupa matapos ang ulan ng araw na iyon.Nang makarating na sila sa wakas sa parking area, tumingin pabalik si Lucien at biglang bumulong,"There's only one trail of footprints left."Napakunot-noo si Amara, na hindi maunawaan kung ano ang ibig niyang sab
Read more