“Lucein?”Maingat siyang tinawag ni Lysandra, ang boses nito ay mahina, tila nanunubok. Pero sa sandaling makita niyang nagdilim ang ekspresyon ni Lucien, agad siyang natahimik.Iniabot ni Amara ang panulat, pagkatapos ay sinulyapan si Lysandra na nakatayo roon at naghihintay nang may pagkabalisa. Isang tipid at tila nanunuya na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.“Sige na, Lucien,” magaan niyang sabi. “Your Mrs. Del Castillo is getting impatient.”Ang mga salita ay tumama na parang isang sampal sa hangin.Humingpit ang hawak ni Lucien sa kasunduan. Sa isang sandali, akala ng lahat ay pupunitin niya ito. Pero sa halip, dahan-dahang lumuwag ang kanyang mga daliri.Kinuha niya ang panulat—at lumagda.Maayos. Malinis. Tapos na.Isang malalim na buntong-hininga ang nakawala sa dibdib ni Amara bago pa niya ito mapigilan. Ginhawa—matalas at biglaan.Ngumiti siya nang magalang. “Kung may kailangan pa kayo, feel free to call me later.”Pagkatapos ng lahat, malaki-laki rin ang kinita niya m
Last Updated : 2026-04-28 Read more