CHAPTER 183"Nagkakamali ka, Zach. Nagkukwentuhan lang kami." “Hindi ako bingi. Anong sinasabi mo na natural sa lalaki na maghanap ng ibang babae? Kung gawain mo, p utangina!, huwag mo akong idadamay!” Halos hindi bumuka ang bibig ni Zacharias sa pagkagigil. “Hindi…Ano lang….” “Hindi pa nga pumapayag si Jillian na pakasalan ako, sinisiraan mo na ako? F cuk your friendship with my dad. Kapag iniwan ako ni Jillian dahil sa sinabi mo, patay ka sa akin!”"Alam ko na nagkamali ako, Zach. Bilang ama ni Jillian, ang ibig ko lang sanang sabihin—" “I heard everything!” Lumingon sa kanya si Zacharias bago madiin na nagpatuloy. “And my wife’s dad is dead. Wala na siyang ama simula nang bata pa siya. Kaya huwag mo siyang guguluhin o kahit bumalik sa bahay na ito.” “Zacharias, totoong ako ang ama ni Jillian. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan noon ng ina niya kaya lumaki siya na wala ako.” “Jil, do you have a dad?” tanong
Baca selengkapnya